Coast Guard, dumipensa matapos magalit si Moreno sa presensya ng kanilang tauhan sa Manila North Harbor

Idinipensa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang presensya ng isa nilang tauhan sa Harbor Center sa Manila North Harbor sa Port Area, Maynila.

Ito ay matapos masita at padisarmahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang tauhan ng Coast Guard nang magsagawa ng raid sa mga container van na naglalaman ng mga karne ng baboy na kontamindao ng African Swine Fever (ASF).

Sinabi ng PCGna talagang nakadeploy doon si Seaman Second Class (SN2) Jercel Dela Cruz bilang parte ng K9 Unit ng PCG Task Force Aduana.


Ayon sa Coast Guard, naka-assign talaga si Dela Cruz sa North Harbor sa Port Area para obserbahan ang shipment ng 17, 000 kilo ng karneng baboy mula sa Guangzhou, China na idineklarang positibo sa ASF.

Ayon sa Coast Guard, layon ng Task Force Aduana ng PCG na matiyak na dumadaan sa tamang documentation ang lahat ng shipment ng mga containers sa pier bago hayaang makapasok at malakabas ng Port area.

Dumating sa bansa ang naturang mga shipment noong Disyembre 2019 at naka-schedule na sirain ngayon linggo matapos makatanggap ng clinical laboratory report mula sa Bureau of Animal Industry noong January 22, 2020.

Facebook Comments