Coast Guard Intelligence officer na dawit sa drug ring sa Cebu, iniimbestigahan na rin

Nagsasagawa na rin ng parallel investigation ang Philppine Coast Guard sa kanilang intelligence officer na iniuugnay sa operasyon ng iligal na droga sa Cebu kung saan ang sinasabing mastermind ay si Rustico Ygot na nakakulong sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

Partikular na nagsasagawa ng imbestigasyon sa PCG Internal Affairs Division.

Sinasabing may ugnayan ang nasabing intelligence officer kay Ygot.


Lumalabas din sa paunang imbestigasyon na ang Coast Guard intelligence officer ay dating live in partner ng naarestong si Jocelyn Encilla.

Una nang inihayag ni Justice Undersec. Markk Perete na may mga hawak na silang pangalan ng mga personalidad na sangkot sa Cebu drug ring matapos makumpiska ang cellphone ni Ygot sa Bilibid.

Facebook Comments