Ilang Senador – kumpirmadong nakipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte, usapin sa DDS – hindi naungkat

24

MANILA, PHILIPPINES – Kinumpirma ni Sen. Tito Sotto na nakipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang senador.

 

Nangyari ito noong Martes ng gabi matapos na mapagbotohan sa caucus ng senado na ituloy ang pagdinig sa Davao Death Squad kaugnay sa naging testimonya ni retired SPO3 Arthuro Lascañas.

 

Ngunit paglilinaw ni Sotto – hindi tungkol sa DDS ang kanilang naging pagpupulong at hindi rin sa Malacañang nangyari ang meeting.

 

Una nang itinanggi ng isang opisyal ng Malacañang ang nangyari pagpupulong.

 

Itinaggi rin ni Sen. Richard Gordon na kasama siya sa meeting habang naniniwala naman si Sen. Panfilo Lacson na hindi nakiki-alam ang pangulo sa nasabing isyu.



 

 

Facebook Comments