Cauayan City, Isabela- Inihayag ni Dr. Manuel Galang ng Department of Agriculture (DA) Region 2 na ilan pang mga lugar sa Isabela ang pinamumugaran ng mga ‘Migratory Birds’ na mahigpit din na binabantayan upang masigurong hindi magdudulot ng sakit na bird-flu.
Kabilang dito ang Monterey Lake sa Cauayan City, Magat Dam Lake sa bayan ng Ramon, at Malasi Lake sa bayan ng Cabagan.
Ayon pa kay Dr. Galang, prayoridad ang lahat ng coastal area ng Isabela dahil dito umano nagpupunta ang mga ‘Migratory Birds’.
Maging sa lalawigan ng Nueva Vizcaya partikular sa bayan ng Sta. Fe ay binabantayan rin dahil sa ilang napaulat na inaalagaan ang mga wild ducks.
Samantala, hanggang ngayon ay wala pa rin na nadidiskubreng bakuna kontra H5N1.
Mahigpit namang binabantayan ang lahat ng poultry meat na pumapasok sa region 2
Facebook Comments