Nananatiling positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o mas kilala sa tawag na red tide toxin ang mga coastal area sa siyam na probinsya sa bansa.
Batay sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang lahat ng uri ng shellfish at acetes o alamang sa mga sumusunod na lugar ay hindi ligtas kainin ng tao.
Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal sa Bataan
Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
Biliran Island
Daram Island, Maqueda, Cambatutay, Irong-Irong, at San Pedro Bays sa Western Samar
Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte
Guiuan at Matarinao Bay sa Eastern Samar
Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
Baroy sa Lanao del Norte
Lianga Bay sa Surigao del Sur
Tiniyak naman ng BFAR na ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango na mahuhuli sa nasabing mga probinsya.
Wala naman nang red tide sa coastal waters ng Villareal Bay sa Western Samar.