Cockfighting operation sa MGCQ, bawal pa rin hanggang walang guidelines ayon sa Joint Task Force COVID Shied

218

Nagbigay ngayon ng paglilinaw ang Joint Task Force COVID Shied kaugnay sa pagpayag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa paglalaro ng sabong sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ayon kay Task Force Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, kahit pinapayagan na ang paglalaro ng sabong sa MGCQ areas, iligal pa rin ito hanggat wala pang nailalabas na guidelines.

Apela ng opisyal sa mga manlalaro, maghintay hanggang sa mailabas ng IATF ang guidelines sa cockfighting operation.

Giit ni Eleazar, hindi naman pa naglalabas ang IATF ng iba pang detalye sa magiging daloy ng sabong.

Facebook Comments