Narekober na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Cockpit Voice Recorder (CVR) ng Agusta WW24 aircraft ng Lionair na bumagsak sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan walong sakay nito ang nasawi.
Ayon sa CAAP, mapapadali nito ang imbestigasyon ng sa tunay na dahilan ng pagbagsak ng nasabing eroplano.
Nabatid na ang imbestigasyon sa anggulo ng crash at pagkasunog ng eroplano ay ini-imbestigahan ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) habang tinututukan naman ng Flight Safety Investigation Committee (FSIC) kung may nalabag ang aircraft operator o mga piloto sa aviation safety procedure.
Pagtitiyak ng CAAP, nakikipag-ugnayan na sila sa pamilya ng mga nasawi. Nanindigan din ang CAAP na huwag munang ilabas ang mga pangalan ng mga nasawi sa trahedya.
Sa ngayon, grounded muna ang lahat ng eroplano ng Lionair.