Malakanyang, nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya ng 8 sakay ng bumagsak na Lionair Aircraft

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa naulilang pamilya ng walong sakay ng Agusta WW24 aircraft ng Lionair na bumagsak sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, lubos nilang ikinalulungkot ang nasabing insidente.

Aniya, dapat magkaroon ng masusing imbestigasyon hinggil sa naturang plane crash.


Giit pa ni Panelo, lahat ng concerned government agencies ay dapat mayroong sinusunod na safety measures para mapanatili ang kaligtasan ng lahat ng private aircrafts maging ang kanilang mga pasahero at crew.

Facebook Comments