Coco levy fund na kinolekta noong Marcos era, naibalik na sa mga magsasaka – Duterte

Tinupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangakong ibalik ang coconut levy fund sa mga magsasaka kasabay ng pagpasa ng Coconut Farmers Trust Fund Bill.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Duterte na ang pondo at tinatayang nasa 75 billion pesos para mapakinabangan ng mga magsasaka at sa development ng coconut industry.

“We fulfilled our promise to coconut farmers. We returned the coconut levy fund to its rightful owners — the coconut farmers,” ayon kay Pangulong Duterte.


Ang coconut levy fund ay kinolekta mula sa mga magsasaka noong rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na nakalaan sana para sa mga programang mapapakinabangan ng mga coconut farmers.

Pero sa halip ay ginamit ito ng gobyerno para mabili ang malaking porsyento ng United Coconut Planters Bank.

Nabanggit din sa SONA ang pagpasa ng Rice Tariffication Law at Free Irrigation Laws na makakatulong sa agricultural sector.

Facebook Comments