Coconut industry, inaasahang mapapahusay kasunod ng pagpapalabas sa bahagi ng trust fund mula sa coco levy assets

Welcome development para kay Senator Cynthia Villar ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa executive order na nag-apruba sa Coconut Farmers and Industry Development Plan na i-release ang P75-billion na bahagi ng trust fund mula sa coco levy assets.

Ito ay para tustusan ang pag-ulad ng coconut industry na pakikinabangan ng 3.5 milyong mga magsasaka ng niyog.

Binanggit ni Villar na sa ilalim ng EO 172, ay inaprubahan ni Pangulong Duterte ang Coconut Farmers and Industry Development Plan upang palakasin ang kumpetisyon ng coconut farmers sa bansa.


Ipapatupad ito ng Philippine Coconut Authority, kasama ang ibang pang kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Sinabi ni Villar, ang Pilipinas ang pangalawa sa pinakamalaking producer ng niyog sa buong mundo kasunod sa Indonesia.

Binigyan diin ni Villar na may mataas na potensiyal sa paglago ang ating industriya ng niyog sa pamamagitan ng productivity enhancement, diversification, at industry value-addition.

Facebook Comments