Tom Rodriguez, inaming divorced na sila ni Carla Abellana

57

Inamin ng aktor na si Tom Rodriguez na divorced na sila ng asawa na si Carla Abellana.

Ito ay matapos aprubahan ng Amerika ang kanilang aplikasyon bilang US resident si Tom.

Sa isang panayam, sinabi ng aktor na hangad nito ang kaligayahan para sa kaniyang dating asawa sa kabila ng pagsuko umano ni Carla sa kanilang marriage.


Itinanggi naman nito na sinasaktan niya si Carla matapos sinabi ito ng aktres kamakailan.

Sa huli ay sinabi nito na silang dalawa lang ng ex-wife ang nakaka-alam ng katotohanan at hindi siya papayag na gagamitin lamang sila for publicity.

Sa ngayon, mamamalagi muna si Tom sa Amerika kasama ang kaniyang pamilya na itinuturing niyang strongest support system.



Samantala, kahit aprubado na ng US ang diborsyo ni Tom ay kikilalanin lamang ito sa Pilipinas kapag naghain at naaprubahan ng korte rito sa Pilipinas ang petisyon upang kilalanin ang foreign divorce decree.

Mababatid na noong Oktubre 23, 2021 nang ikinasal ang dating mag-asawa sa Batangas at matapos lamang ang halos tatlong buwan ay naging usap-usap ang problema nilang dalawa bilang mag-asawa.


Facebook Comments