Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, pinapa-amyendahan sa Kamara

Pinapa-amyendahan ni Ombudsman Samuel Martires ang Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Sa pagdinig ng panukalang 2021 budget ng Office of the Ombudsman, sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na marami ang nabibiktima ng nasabing batas dahil subject ito sa iba’t ibang interpretasyon.

Partikular na aniya rito ang pagsasagawa ng lifestyle check at pagsusumite ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).


Dahil sa iba’t ibang interpretasyon ng batas kaya niya rin ipinahinto ang lifestyle check sa mga kawani ng pamahalaan.

Madalas din aniyang nagagamit ang batas na ito para siraan lamang ang isang opisyal kahit walang matibay na ebidensyang ito ay tunay na tiwali.

Paliwanag ni Martires sa mga kongresista, walang sinuman ang may karapatan na husgahan ang isang empleyado ng gobyerno dahil may kaniya-kaniynga prayoridad ang bawat isa.

Nakatakda namang magsumite ang Ombudsman sa Kamara ng mga amendments para sa batas.

Facebook Comments