Cogie Domingo, dalawang linggong tiniktikan ng PDEA

Manila, Philippines – Dalawang linggo na isinasailalim sa surveillance ng PDEA si Redmond Domingo o mas kilala bilang Cogie Domingo bago ito naaresto ng PDEA Region 4A.

Ayon kay PDEA PIO Chief Direc. Arnold Carreon, nakumpiskahan si Cogie ng maliit na cylinder tube na naglalaman ng shabu, mga drug paraphernalia na may drug residue.

Kabilang din sa naaresto ang kasama ni Cogie na si Francis Lim at ang source ng droga na si Almira Bautista na nakumpiskahan ng isang plastic sachet ng shabu.


Ayon kay Careon, naaresto ang tatlo sa President Avenue, BF Home, Paranaque.

Todo tanggi naman si Cogie sa akusasyon sa kanya ng mga umarestong mga operatibang PDEA Region 4A.

Facebook Comments