LP member sa Kamara, diskumpyado sa pagdawit kina Drilon at Roxas sa drug trade

Manila, Philippines – Pinagdududahan ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang pahayag ng drug money bagman na si Ricky Sereño na sangkots a illegal drug trade operation sa Visayas sina Senator Franklin Drilon at dating LP bet Mar Roxas.

Giit ng LP member na si Baguilat, mukhang binayaran si Sereño para idawit sina Drilon at Roxas.

Aniya, bahagi lamang ito ng paninira ng administrasyon sa mga opposition leaders na pangunahing kritiko din ng Pangulong Duterte.


Dagdag pa ni Baguilat, nais lamang i-divert ng gobyerno ang atensyon ng publiko para makalimutan ang mga isyu na kinasasangkutan ng pamahalaan kaya nagpapalutang ang mga itong gawa-gawang balita.

Facebook Comments