Cogie Domingo, maaari nang makapagpiyansa ngayong araw

Manila, Philippines – Maaari nang makapagpiyansa ngayong araw ang aktor na si Cogie Domingo matapos mahuli sa isang drug buy-bust operation ng PDEA region 4-A noong Biyernes (October 27).

Matapos sumailalim si Cogie at ang mga kasama niya sa inquest proceedings, agad na inirekomenda ang piyansa sa dating aktor na P200,000 habang P100,000 naman ang bail para sa dalawa pang lalaking kanyang kasama.

Hindi naman pinahintulutang makapagpiyansa ang kasama nilang babae, na siyang sinasabing nagtutulak ng droga.


Facebook Comments