Mangangailangan ang gobyerno ng third party logistics providers para sa cold storage ng COVID-19 vaccines simula sa Agosto.
Ayon kay Health Secretary Francsico Duque III, ang kasalukuyang available facilities ay kaya lamang mag-accommodate ng COVID-19 vaccine na darating sa bansa hanggang Hulyo.
Nakikipag-usap pa rin ang DOH sa third party logistics providers na siyang mangangasiwa ng storage at distribution ng mga bakuna.
Ang Pilipinas ay mangangailangan ng cold storage facilities na may temperaturang 2 hanggang 8 degrees Celcius, -16 hanggang -20 °C, at -70 hanggang -80°C.
Target ng pamahalaan na makakuha ng 148 million doses ng COVID vaccines para sa 50 hanggang 70 milyong Pilipino ngayong taon.
Facebook Comments