Inaasahan ng National Telecommunications Commission (NTC) na malalampasan nila ang kanilang inaasahang kita ngayong taon ng hanggang ₱2 billion.
Ang NTC na nasa ilalim ng Department of Information and Communications Technology, ay nagsabi na sumobra na ang kanilang ₱4.8-billion revenue target ngayong taon sa halagang ₱1.4 billion, ang aktuwal na collections nila ay umabot na sa ₱6.1 billion hanggang nito lamang October 14, 2019.
Ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, patuloy na pagsusumikapan ng ahensiya na malampasan ang kanilang collection target ng hanggang ₱2 billion sa pagtatapos ng taon.
Ito na ang ikaapat na sunod-sunod na taon kung saan sumobra ang kinita ng NTC sa collection target nito sa ilalim ng Duterte administration.
Noong 2018, ay lumampas din ang kita ng NTC sa halagang ₱1.8 billion.
“This year’s achievement is NTC’s way of showing its full support to the national government and the public service programs pushed by President Rodrigo Roa Duterte – priorities of which are on infrastructure, agriculture and rural development, and peace and order,” ayon pa kay Cordoba.
Tinukoy ng NTC ang maayos na performance sa pamamagitan ng istriktong pagtugon ng mga enforce stakeholders katulad ng tamang pagreremit ng spectrum users’ fees, supervision at regulation fees, at penalties kung kaya’t tumaas ang kanilang kolesiyon.
Kabilang sa mga Stakeholders na pinangangasiwaan ng NTC ay mga cable and commercial television operators, broadcast radio stations, telecom companies, at commercial and portable radio operators.