Dating Sundalo, Arestado sa Pag-iingat ng mga Baril at Bala!

160

Cauayan City, Isabela- Huli ang isang dating sundalo matapos itong masamsaman ng mga baril at bala sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Babanuang, San Manuel, Isabela ganap na 6:15 kaninang umaga .

Kinilala ang nahuli na si Rolando Corpuz, 68 anyos, may-asawa at residente ng nabanggit na lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nakumpiska sa pag-iingat ni Corpuz ang 1 ammunition box, 3 magazine assembly ng carbine, mga panlinis ng baril, 4 piraso ng leather holsters, 1 firearm oil, 1 WD40, 1 caliber 22 rifle, 1 empty magazine ng Cal 22, 1 super 38 na baril na may 8 bala, 1 holster ng super 38, 2 magazine ng M16, 1 barrel ng Cal 45, 12 pirasong bala ng Carbine, 9 bala ng Cal 38, 1 bala ng Cal 22 at Cal 5.56, 4 basyo ng Cal 45 at isang black leather pouch.

Ito ay sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ni hukom Ariel Palce ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela.

Dinala na sa CIDG-Isabela Provincial Field Unit (PFU) ang suspek maging ang mga nakumpiskang baril at bala para sa kaukulang dokumentasyon at sa inquest proceedings.

Facebook Comments