
Isang 28 anyos na lalaking college instructor ang naaresto ng mga awtoridad noong sa Alaminos City, Pangasinan, sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay ng kasong Qualified Theft.
Isinagawa ang pag-aresto ng Alaminos City Police Station (CPS) bilang lead unit, katuwang ang Regional Intelligence Division ng PRO1 at ang RMFB 1 – 105th Maneuver Company na nakabase sa Dasol, Pangasinan.
Ayon sa pulisya, ang akusado ay nahaharap sa tatlong bilang ng Qualified Theft sa ilalim ng Article 308 kaugnay ng Article 310 ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act 10591.
Ang mga kasong ito ay may kaukulang case numbers at may kanya-kanyang inirekomendang piyansa.
Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan at agad siyang dinala sa Alaminos CPS kung saan siya ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng mga kaso.
Muling iginiit ng kapulisan ang kanilang determinasyon na ipatupad ang batas at ipagpatuloy ang operasyon laban sa mga wanted person upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod ng Alaminos.






