Ito ang inihayag ni Dr. Ricmar Aquino, ang ISU System President sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.
Una rito, nagtatag ng College of Medicine ang unibersidad pero kalauna’y inalis dahil may mga requirements na kinakailangang ikonsidera gaya ng kailangan malapit sa malalaking ospital tulad ng Southern Isabela Medical Center (SIMC) na siyang maaaring maging bahagi ng on-hand laboratory.
Ngayon, inaprubahan na ng Board of Regent at Commission on Higher Education (CHED) ang pagtanggap ng mga enrollees.
Batay sa pagtaya, kinukulang na ang mga medical doctors na siyang tutugon sa nararanasan ng pandemya habang ang iba naman ay binawian ng buhay matapos tamaan ng COVID-19 virus.
Laking tulong na para sa mga nais mag-aral ng medisina ang pagkakaroon ng kursong ito ang naturang unibersidad dahil hindi na kailangan pang magtungo ng Metro Manila.
Ang maaari namang makapag-enrol sa kursong medisina ang mga nakapagtapos ng allied medicine gayan ng Nursing, Midwife, Psychology at marami pang iba.
Ang Isabela State University ang kauna-unahang Unibersidad sa probinsiya na nag-aalok ng kursong Medisina.