Makakabalik na muli sa kanilang pagsasanay ang mga student-athlete sa tertiary level.
Kasunod ito ng paglagda ng Joint Memorandum Circular ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Department of Health (DOH).
Pinangunahan nina CHED Chairman Popoy de Vera, Health Secretary Francisco Duque III, CHED Executive Director Cinderella Filipina Benitez-Jaro at CHED National Capital Region Regional Director Virginia Akiate ang pagpirma sa memorandum sa isang seremonya sa Emilio Aguinaldo College Gymnasium sa Maynila.
Sinaksihan naman ito ng mga opisyal ng University Athletic Association of the Philippines o UAAP at National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Ayon kay De Vera, hindi lamang training ang papayagan kundi maging ang pagdaraos ng mga kompetisyon.
Pero paglilinaw niya, tanging mga fully vaccinated student-athletes lamang ang papayagang lumahok sa face-to-face training.
Hindi naman na pakukuhanin ng COVID-19 test ang mga student atletes na sasalang sa training.
Ipinatitiyak naman ng DOH sa mga athletics associations ang pagpapatupad ng mga health protocols