COLORADO SHOOTING INCIDENT | Suspek na namaril sa 4 na pulis, nakilala na

Colorado, USA – Nakilala na ang suspek na namaril sa apat na pulis sa Colorado, USA.

Ayon kay Deidre Forster, tagapagsalita ng wyoming Army National Guard’s Office, kinilala ang suspek na si Matthew Riehl, 37 anyos at dating army reservist at naging parte ng security mission sa Iraq.

Aniya, rumesponde lang ang mga pulis sa reklamo ukol sa awayan sa isang apartment sa Highlands Ranch, katimugang parte ng Denver nang paputukan sila ng suspek.


Maliban sa mga nasawi, sugatan naman limang iba pa at dalawang sibilyan.

Facebook Comments