STAMPEDE | 9, sugatan sa pagsabog ng inakalang bomba sa Roxas Night Market

Davao City – Sugatan ang siyam tao nang magkagulo sa Roxas Night Market sa Davao City dahil sa inakalang bomba ang sumabog.

Ayon kay P/Chief Inspector Ramil Macarampat, hepe ng San Pedro Police, nagkaroon ng short circuit sa wire ng ilaw sa lungsod na nagresulta sa explosion.

Matatandaan 15 indibidwal ang nasawi sa nangyaring pagsabog sa Roxas Night Market noong Setyembre 2016.


Kaya paalala ng mga awtoridad, iwasan na mag-panic at huwag sumigaw ng bomba nang wala namang kasiguraduhan.

Facebook Comments