Napag-alamang illegal na nagbibiyahe ng mga pasahero nang walang kaukulang dokumento ang nahuling drayber.
Kasunod ito nang isinagawang anti-colorum operation ng ahensya sa pangunguna ni LTFRB 2 Regional Director Edward Cabase.
Naharang ang naturang sasakyan na may lamang sampung (10) pasahero at nakatakdang magtungo sa Bulacan at Manila.
Nagbayad umano ng P1,500 ang bawat pasahero patungo sa kanilang mga destinasyon.
Samantala, nai-turn over ng enforcement team sa isang pampasaherong bus ang bilang ng pasahero para sa ligtas na pagbiyahe.
Tiniyak naman ng ahensya sa publiko na mahaharap sa kaukulang parusa ang colorum na namamasada sa lansangan at walang kaukulang papeles at prangkisa.
Sa ngayon ay naka-impound na sa tanggapan ng LTFRB Region 2 ang nasabing sasakyan.