Columbian national, arestado matapos magpasok ng cocaine sa bansa

Manila, Philippines – Arestado ang isang Columbian national matapos magpasok ng cocaine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Nakilala ang suspek na Alberto Pedraza Quijano, 67-anyos.

Ayon kay PDEA NCR Director Ismael Fajardo, sumakay ng emirates airlines flight EK 332 mula Dubai ang suspek.


Una nang nakatanggap ng impormasyon ang mga owtoridad mula sa US Homeland Security kaugnay sa modus kaya nagkasa sila ng operasyon katuwang ang NAIA.

Aabot sa 900 gramo ng hinihinalang cocaine ang nakumpiska sa dayuhan.

Diskarte ng suspek, nilulunok niya ang mga iligal na droga tsaka papasok sa bansa.
Base sa datos, lumalabas na ilang beses na rin labas-pasok sa Pilipinas ang suspek.

Sa ngayon, nasa pagamutan na drug mule suspek para sa medical procure at pagsusuri kung may mga naiwan pang suspected drugs sa katawan ng dayuhan.

Facebook Comments