Davao City Mayor Sara Duterte, bukas sa isasagawang imbestigasyon ng Ombudsman sa asawang si Atty. Mans Carpio at kapatid na si Vice Mayor Paolo Duterte

82

Manila, Philippines – Bukas si Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa gagawing imbestigasyon ng Ombudsman sa kaniyang mister na si Atty. Mans Carpio at sa kaniyang kapatid na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Ayon kay Inday Sara, natutuwa siya dahil mabibigyan ng pagkakataon ang kaniyang mister at kapatid na depensahan ang kanilang sarili sa mga akusasyon laban sa kanila.

Matatandaang idinadawit sina Carpio at Pulong sa nakalusot na P65 billion drug shipment mula sa China.

Dati na ring itinanggi ng dalawa ang pagkakadawit nila sa nasabing shipment.

Facebook Comments