Columbian national na wanted sa Amerika, arestado ng Immigration officers

Arestado ng Bureau of Immigration ang isang Columbian national na wanted  ng US federal authorities sa Texas dahil sa paglabag sa kanyang probation.

 

Inaresto ang 36-anyos na si Jhon Angelo Trujillo sa tinutuluyan nitong condominium unit sa Eastwood, Quezon City.

 

Ayon sa BI, si Trujillo ay namamahala ng operasyon ng isang call center company sa bansa nang walang kaukulang visa.


 

Ang naturang dayuhan ay Convicted sa tinatawag na crime of deadly conduct sa Amerika at napagkalooban lang probation subalit siya ay pumunta ng Pilipinas

 

Bukod sa pagiging wanted sa Amerika, siya ay overstaying na rin sa bansa matapos itong mabigong mag-extend ng kanyang visa na napaso noon pang March 2018.

 

Pansamantalang nakapiit na si Trujillo sa detention facility ng Immigration sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang hinihintay ang deportation order laban sa kanya.

 

Isinama na rin ang pangalan nito sa blacklist ng Immigration para hindi na muling makabalik pa ng bansa.

Facebook Comments