Combat operation sa Marawi City, inihinto na

Marawi City – Matapos ang 154 na araw na gulo sa Marawi City, nagdeklara na si Defense Secretary Delfin Lorenzana ng termination of all combat operation sa lungsod.

Sa statement na inilabas ni Secretary Lorenzana, sinabi nitong dahil sa suporta ng mga Pilipino ay nasupil na ng tropa ng pamahalaan ang mga kalaban.

Matatandaang noong Martes ay nagdeklara ng Declaration of Liberation ng Marawi ang Panguong Duterte matapos na mapatay na noong Lunes ang dalawang lider ng mga terorista sa marawi na sina Omar Maute at Emir ng South East Asia na si Isnilon Hapilon.


Sinabi naman ni Col. Romeo Brawner ang deputy commander ng Joint Task Force Ranao na ang ibig sabihin ng termination ng combat operation sa Marawi ay hindi na magsasagwa ng offensive attack ang mga sundalo sa lugar.

Pero sakali aniyang magpaputok pa ang mga natitira o mga nagtatagong Maute ISIS members ay hindi sila magdadalawang isip na magsagawa muli ng pag-atake.

Sa ngayon, ayon pa kay Brawner umabot na sa 920 ang napapatay na Maute ISIS members habang 1780 ang nailigtas na mga sibilyan.

Kinumpirma rin ni Brawner na may isang sundalo ang pinugutan at isa ang sinunog sa huling pag-atake ng militar sa Marawi City kagabi.

Facebook Comments