Nilinaw ng Dept. of National Defense (DND) na patuloy ang Combat Operations laban sa Communisty Party of the Philippines, New People’s Army (CPP-NPA) kasabay ng muling pabuhay sa peace talks.
Nitong Biyernes, pinsabog ng mga hinihinalang miyembro ng npa ang isang improvised explosive device sa Borongan City, Eastern Samar na ikinamatay ng dalawang katao, partikular ang isang pulis at tatlong talong gulang na bata.
Ayon kay DND Sec. Delfin Lorenzana, ang nangyaring pagsabog ay hindi makakaapekto sa posibleng pagbabalik ng usapang pangkapayapaan.
Subalit, iginiit ng kalihim na magpapatuloy pa rin ang pinaigtingnilang operasyon kontra sa mga rebeldeng komunista na patuloy na lumalaban.
Aniya, kadalasang dumadalas ang pag-atake ng npa habang nalalapit ang peace talks upang ipakita ang kanilang lakas.