Apat, kabilang ang isang 6-year old na bata ang nasawi sa malakas na lindol sa Davao Del Sur

Apat ang inisyal na naitalang patay kasunod ng Magnitude 6.9 na Lindol na tumama sa Davao Del Sur kahapon.

Ayon kay Mayor Vincent Fernandez ng Matanao, Davao Del Sur Mayor Vincent Fernandez, isang anim na taong gulang na bata ang nasawi sa kanilang bayan.

Sa hiwalay na ulat naman ng Bureau of Fire Protection, aabot sa tatlong katao ang namatay nang gumuho ang isang tatlong palapag na supermarket sa bayan ng Padada.


Kasabay nito, sinabi naman ni South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Rolly Aquino na may ilang residente ang nagtamo ng mild injuries at nagkaroon ng hyperventilation dahil sa Lindol.

May ilang empleyado ng tatlong mall ang isinugod sa ospital para sa agarang lunas.

Facebook Comments