COMEBACK | Isaiah Thomas, makakasama na sa practice ng Cavs

NBA – Makakasama na sa kauna-unahang team practice ng Cleveland Cavaliers ang kanilang pointguard na si Isaiah Thomas.

Ayon kay Cavs Coach Tyronn Lue, siguradong magiging kaabang-abang ang pambihirang road practice na isasagawa nila ngayong linggo dahil kasama na nila si Thomas kung saan unti-unti na daw itong nakakarekober sa injury.

Matatandaan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalaro si Thomas sa panibagong NBA season mula nang makuha ito ng Cleveland.


Hawak ng Cavs ngayong season ang 24-11 win/loss record kung saan sila ang no.3 sa Eastern Conference.

Facebook Comments