NBA | Rajon Rondo ng New Orlean Pelicans, nakagawa ng new record

NBA – History in the making ang naitala ngayon ng point guard na si Rajon Rondo ng New Orleans Pelicans.

Nakakuha si Rondo ng NBA season high na 25-assists sa naging laban nila sa Brooklyn Nets kung saan nanalo sila sa score 128-113.

Nabatid na si Rondo ang player na sumunod kay Jason Kidd sa pinakamadaming assists sa isang laro matapos ang 21 taon.


Si Kidd ay nakakuha ng 25 assists noong 1996 habang naglalaro sa Dallas Maverikcs kung saan nakalaban nila ang Utah Jazz.

Si Scott Skiles naman ang may pinakamaraming assists sa single NBA game na umabot sa 30 noong 1990.

Facebook Comments