Comeback movie nina Sharon at Gabby – hindi na tuloy

Manila, Philippines – Bad news sa fans ng tambalang gabby Conception at Sharon Cuneta dahil hindi na tuloy ang sana’y reunion movie ng dalawa ngayong taon.

Kinumpirma mismo ito ni Sharon sa kanyang official facebook page, kung saan nag-sorry rin siya sa kanyang fans na abang na abang na sa pagbabalik tambalan ng dalawa.

Ayon sa Megastar, hindi na matutuloy ang paggawa nila ng pelikula ni Gabby dahil sa conflict sa kani-kanilang iskedyul at iba pang commitments na una na rin niyang sinabi noon kaugnay nang ilang beses na pagkakaudlot ng kanilang shooting.


Habang usap-usapan din dati na mismong si Gabby ang umayaw sa pelikula dahil bukod sa talent fee hindi raw nito nagustuhan ang script kung saan gaganap sana siyang ‘bad guy.’

Say umano ni Gabby, gusto raw niya na “feel good movie” ang comeback movie nila ng Megastar lalo’t 1993 pa nang huli silang magtambal.
Nation”

Facebook Comments