Comedian actress na si Pokwang, isinilang na ang baby girl nila ng boyfriend na si Lee O’ Brian

Showbiz – Very proud ngayon si Lee O’ Brian matapos na isilang ng kaniyang nobyang komedyante na si Pokwang ang kanilang anak na babae.
Sa instagram post ni O’brian, makikita na hawak ni Pokwang o Marietta Subong sa tunay na buhay ang kanilang baby girl na si Malia.
Kasama rin sa larawan ang 21-anyos na anak ng komedyanteng si Rie Mae sa una nitong kinasama.
Nagpapalakas na sa ngayon si Pokwang matapos ang pagsilang nito ay tanong naman ngayon ng mga fans niya kung kailan naman ang kanilang kasal.

Facebook Comments