Comedian-TV host Awra Briguela, nahaharap sa panibagong reklamo

Sinampahan ng panibagong reklamo sa Makati Prosecutor’s Office si Awra Briguela.

Kasong grave coercion, light threats at paglabag sa safe spaces act laban kay Awra ang isinampa ng complainant na si Mark Christian Ravana.

Ayon sa abogado ni Ravana na si Atty. Nick Nangit, ang mga reklamo na kanilang isinampa ay may kinalaman sa gulong nangyari sa loob ng bar sa Poblacion.


Ang mga naunang reklamo aniya na isinampa laban kay Awra ay may kinalaman sa nangyaring gulo sa labas ng bar.

Tinukoy ng abogado ang pilit na pagpapahubad ni Awra sa kanyang kliyenye, paghila dito hanggang sa masira ang damit at ang pagpigil sa kanya na lumabas ng kwarto sa ikatlong palapag.

Una nang sinampahan si Awra ng mga pulis ng kasong slight physic injuries at simple disrespect of public official.

Facebook Comments