Bomb threat sa NAIA 1, negatibo

Halos tatlong oras na sinuyod ng PNP Aviation Security Group at ng Airport Police Department ang NAIA 1 matapos itong makatanggap ng bomb threat.

Sa paneling ng mga awtoridad, negatibo naman sa bomba ang paliparan.

Bagama’t negatibo sa bomba ang pasilidad ng airport, patuloy pa rin ang random inspection at paneling ng K-9 units ng PNP-AVSE Group.


Sa text message na natanggap ng NAIA, sinasabing ang bomba ay nakalagay sa departure area kaya agad na nag-deploy ng K-9 units at bomb experts ang PNP subalit negatibo naman ito.

Wala namang flight na naapektuhan ng bomb threat.

Facebook Comments