COMELEC, 100% nang handa sa filing ng COC

All systems go na ang hanay ng Commission on Elections (COMELEC) para sa nalalapit na filing ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato sa 2022 elections.

Ang COC filing ay gaganapin simula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2021.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni COMELEC Director Elaiza David na handang-handa na ang kanilang field offices.


All systems go na rin maging sa national level na nakatakdang ganapin sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

Matatandaan na una nang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mapabilang sa mga kikilalaning Authorized Person Outside Residence (APOR) ang mga kandidato, political party officials, at representative ng mga partylist, at mga kawani at opisyal ng COMELEC para sa nalalapit na COC filing.

Facebook Comments