Nasa siyamnapung porsiyento nang handa ang Commission on Election o Comelec para sa May 13 midterm election.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, nakumpleto na nila ang pag-imprenta ng mga balota habang ang nalalabing sampung porsiyento ay para sa paghahatid na lamang ng 85,000 mga makina at pagsasapinal ng kahandaan nito.
Aniya, maaabot na sana nila ang 95 percent kahandaan kung hindi lang nagkaroon ng lindol.
Dahil dito, sabi ni Jimenez, naghahanda na sila ng contingency plan kung paano paghahandaan ang epekto sa halalan sakaling magkaroon muli ng pagyanig.
Facebook Comments