COMELEC, agad na manghihimasok kapag nag-umpugan ang dalawang paksyon sa PDP-Laban sa paghahain pa lang ng authorized signatory

80

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na agad itong manghihimasok sa girian ng dalawang paksyon sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, kapag sa paghahain pa lamang ng authorized signatory ay nag-uumpugan na ang dalawang grupo ay agad silang manghihimasok at magdedesisyon kung sino ang magiging opisyal na pambato ng partido.

Pero ayon kay Jimenez, nakadepende ang bilis ng pagresolba sa kaso sa kung gaano ito kakumplikado.


Samantala, umabot na sa mahigit 61 million ang nakapagparehistro sa COMELEC, lampas sa target nito 59 million voters para sa 2022 elections.

Nasa halos isang milyon din ang nagpa-reactivate ng kanilang voter registration.

Facebook Comments