Pilipinas, bumili ng karagdagang 10-M doses ng Sinovac vaccine

68

Muling bumili ng karagdagang 10 milyong doses ng Sinovac vaccines ang Pilipinas.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ito ay para matiyak ang matatag na suplay ng bakuna sa bansa.

Sa ngayon, umabot na sa 26 million doses ng Sinovac ang natanggap at nagamit na ng Pilipinas.


Sabi ni Galvez, may negosasyon na rin ang awtoridad sa Pfizer para mag-deliver ng 5 milyong doses ng bakuna ngayong Setyembre.

Aabot sa 20 hanggang 25 million doses ng COVID-19 vaccines ang inaasahang darating sa bansa sa susunod na buwan.

Facebook Comments