Inanunsyo ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson Director James Jimenez na all set na ang COMELEC para sa gagawing Pilipinas Debates 2022 sa March 19 at March 20 sa Sofitel Tent sa Pasay.
Siyam na presidential candidates ang kumpirmadong dadalo sa isasagawang Presidential Debate ng COMELEC bukas maliban kay Bongbong Marcos Jr.
Alas-7:00 ng gabi magsisimula ang debate.
Ang mechanics, habang hindi pa nagsisimula ang debate ay mananatili muna sa holding area ang presidential candidates saka pa lamang sila pupunta roon sa debate area kapag magsisimula na ito.
Sa debate area ay may sampung podium na may kani-kaniyang upuan at hindi naman aalisin ang podium na nakalaan para kay presidential candidate Bongbong Marcos Jr.
Walang audience sa gagawing debate, ngunit may inilaang mga upuaan para sa mga preparation team ng mga kandidato.
Hindi naman papayagan ang mga kandidato na magdala ng kanilang notes ngunit magbibigay ang COMELEC ng ballpen at papel sa bawat podium para makapag-take down notes ang mga kandidato.
Ang mga sasabak sa debate ay bibigyan ng 90 seconds para sa unang tanong at 30 seconds para sa rebuttal at another 30 seconds para naman sa rejoinder.
Iikot ang mga tanong sa COVID-19 pandemic at ekonomiya.
Inaasahang tatagal ng dalawang oras debate at ang magiging moderator ng debate ang broadcast journalist na si Luchi Cruz Valdez.