7 MULA SA 8 BAYAN NG KALINGA, COVID-19 FREE NA; AKTIBONG KASO NASA TATLO NA LANG

Cauayan City, Isabela- Tatlo na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Kalinga batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Provincial Health Office.

Pito mula sa walong bayan ang COVID-19 Free maliban sa Tabuk City.

Umabot naman sa 11,331 o 97.75% ang Total recoveries sa buong probinsya habang 258 o 2.2% ang listahan ng mga nasawi dahil sa COVID-19 kung saan malaking bilang ng naitalang namatay ay mula sa lungsod ng Tabuk.

11,592 naman ang COVID-19 total confirmed cases.

Samantala, nasa 0% na ang Hospital Critical Care Utilization sa lalawigan.

Patuloy pa rin naman ang paghimok ng publiko sa kinauukulan sa pagsunod sa minimum public health standard.

Facebook Comments