COMELEC at IATF, magpupulong bukas para paghandaan ang mock elections

66

Magpupulong bukas, unang araw ng Disyembre ang Commission on Elections (COMELEC) at Inter-Agency Task Force para pag-usapan ang paghahanda sa gaganaping mock elections.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ito ay upang talakayin ang magiging security preparations lalo na’t lalahok din ang mga botante at boards of election inspectors.

Samantala, Disyembre 29 naman ang tentative date ng COMELEC para sa mock elections habang magsasagawa muna sila ng field test sa Disyembre 14.


Facebook Comments