Maagang nagsagawa ng simulation voting ang commission on elections para sa mga botanteng may kapansanan bilang paghahanda sa 2022 Presidential election.
Ginawa ang simulation voting sa Toro Hills Elementary School sa Quezon City na nilahukan ng mga may kapansanan sa brgy. Toro Hills ng lungsod.
Katuwang ng Comelec ang pamahalaang Lungsod ng Quezon at barangay para tulungan ang mga botanteng may kapansanan para maging mabilis ang kanilang pagboto.
Ilalaan ng Comelec ang mga unang palapag ng mga pampublikong paaralan bilang mga voting centers ng mga ito sa 2022 presidential elections.
Mayroon ding priority lane para sa kanila at maging sa mga senior citizens.
Sa pagtaya ng Comelec aabot sa mahigit dalawampong porsyento ang bilang ng mga pwd at senior citizens ng lungsod ang lalahok sa 2022 Presidential elections.