Unemployment rate, naitala sa ‘record low’ na 4.5% ayon sa PSA

64
Job applicants queue up at a counter for job vacancies offered by different local companies during a job fair at a mall in Manila on October 27, 2010. The Philippines is creating more jobs but too many skilled people are still unable to find work, economic planning minister said. Unemployment eased to 6.9 percent in July as an improving economy opened up more jobs, mostly in the farm sector, the government reported a day earlier. AFP PHOTO/TED ALJIBE

 

Nabawasan ang bilang ng mga walang trabaho  sa bansa batay sa huling ulat Philippine Statistics Authority.

 

Mula sa 5.4% noong Hulyo, naitala ito sa 4.5% noong Oktubre.


 

Ayon sa PSA, bumaba ang bilang ng walang trabaho sa 2.05 million kung ikukumpara sa 2.2 million sa kaparehong buwan noong 2018.

 

Ito na ang “lowest on record” na unemployment rate, na malayo sa 13.9% all-time high noong unang quarter ng 2000.

 

Noong nakaraang buwan, nasa 95.5% ng kabuuang labor force ang kasalukuyang may trabaho.

 

Mas mataas kung ikukumpara sa 94.9% na employment rate noong parehong buwan ng 2018.

 

Mas maraming unemployed ang lalaki (61.4%) kumpara sa kababaihan (38.6%) sa nakalipas na buwan.

 

Pinakamataas ang porsyento ng may trabaho ang Zamboanga Peninsula na nakakuha ng 98.1% habang pinakamababa ang BARMM na nay 93.4%.

 

Lumalabas din na 68.7% ang may full-time na trabaho habang 30.5% naman ang nagtratrabaho ng part-time.

 

Pumapatak naman sa 14.9% ng kabuuang bilang ng mga naghahanapbuhay na kabataan.

Facebook Comments

From Advertisers