MANILA – Sa pagsisimula ng isinagawang oral arguments. Nagpasalamat agad si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista sa pagkakataong ibinigay ng Korte Suprema para makapag-demo sila.Nagsimula ang pulong kaninang alas-10:00 ng umaga kung saan binigyan ng sampung minuto ang comelec at ang petisyuner para makapagpaliwanag ng kanilang panig.Dala ang dalawang Vote Counting Machines (VCM), ipinaliwanag ni Solicitor General Florin Hilbay, Legal Counsel ng Comelec, ang disadvantages ng pag-iimprenta ng voting receipts.Nilinaw din ni Hilbay na hindi hina-hijack ng Comelec ang eleksyon sa pagbabanta ng postponement kundi tinitiyak lang ng poll body ang malinis at tapat na halalan sa Mayo.Samantala, binanatan pa rin ng petisyoner na si dating Senador Dick Gordon ang Comelec sa kakulangan nito sa paghahanda sa eleksyon.
Comelec At Office Of The Solicitor General, Inilatag Sa Oral Arguments Ang Disadvantages Ng Pag-Imprenta Ng Voting Recei
Facebook Comments