Comelec at Smartmatic, pinagkokomento ng Korte Suprema sa petisyong humihiling na payagan ang paggamit ng digital camera at cellphone sa loob ng mga polling precincts

Inatasan ng Korte Suprema ang Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic na magkomento sa petisyong humihiling na payagan ang paggamit ng digital camera at cellphone sa loob ng polling precincts.

 

 

Sa resolusyon na may petsang May 2, 2019. Binigyan ng sampung araw ng Supreme Court ang mga respondent na sagutin ang inihaing petisyon ng mga grupong pinangungunahan ng automated election system watch.

 

 

Pinagbasehan ng petisyon ng aes watch ang Comelec Resolution no. 10088 na ini-isyu noong 2016 na nagbabawal sa paggamit ng mga digital camera at cellphone sa loob ng mga presinto.


 

 

Hiniling din ng grupo sa SC na atasan ang Comelec na sumunod sa 2016 ruling para naman sa activation ng Voter Verification Paper Audit Trail (VVPAT) feature ng mga vote-counting machine.

 

Ito ay sa kabila ng argumento ng Comelec na time-consuming ang pag-iimprinta sa mga voting receipts na maaari rin anilang magamit sa vote buying.

 

Kabilang din sa mga petisyoner ang buklod pamilya, Capitol Christian Leadership, Citizen’s Crime Watch, connecting businessmen in the marketplace to Christ, Latter Rain Harvest Ministries, One Vote Our Hope, Upper Room Brethren Church at ilan pang mga indibidwal.

Facebook Comments