Comelec, binalaan ang mga kandidato hinggil sa mga IT expert na nagpapakilalang konektado sa kanila

Patuloy na umaapela ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato na huwag maniniwala sa mga nag-aalok ng panalo sa eleksyon kapalit ng pagbabayad ng malaking halaga.

Pahayag ito ng Comelec matapos maaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong IT Specialist na nangikil sa mga kandidato kapalit ng pangakong maipapanalo sila sa darating na eleksyon.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, marami na siyang natanggap na ganitong mga ulat kung kaya’t dapat mahuli na ang mga gumagawa nito.


Muling tiniyak ni Garcia, walang sinuman na mga empleyado ng Comelec o mga kakontrata nitong IT provider ang maaaring makapagpanalo sa eleksyon gamit ang pandaraya.

Siniguro din niya na magiging patas ang laban at hindi magkakaroon ng glitch sa mga makina na gagamitin ngayong halalan.

Facebook Comments