
Nagpasalamat ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga ahensiya ng gobyernong nagbigay ng tulong para sa Jordanian Air Bridge Campaign of Humanitarian Aid to Gaza sa bansang Jordan.
Ang kauna-unahang humanitarian aid mula sa Pilipinas at ang unang ahensiyang tumugon sa panawagan na ito ay ang Office of Civil Defense o OCD at ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Kung saan 34 na balikbayan boxes na naglalaman ng mga bonnet at blanket ang ibinigay nilang donasyon para sa Jordanian Air Bridge Campaign of Humanitarian Aid to Gaza na dadalhin papuntang Amman, Jordan.
Sa pamamagitan ni Jordanian Honorary Consul to the Philippines Michael A. Ang, ang mga nasabing donasyon ay malaking tulong para sa mga Palestinian refugees lalo na papasok ngayong winter season sa kanilang bansa.
Umaasa ang DFA na mas marami pang ahensiya ng gobyerno sa Pilipinas ang tutugon sa kanilang panawagan upang makibahagi sa Jordanian Air Bridge Campaign of Humanitarian Aid to Gaza ng bansang Jordan.