COMELEC, bukas sa isang linggong extension sa voter registration

67

Kinumpirma ni Commission on Election (COMELEC) Spokesman James Jimenez na handa ang COMELEC na pagbigyan ng hanggang isang linggo lamang na pagpapalawig sa pagpaparehistro ng mga botante.

Sinabi ni Jimenez na malaki ang epekto sa trabaho ng COMELEC kapag pinalawig ng mas mahaba ang voter registration.


Kinumpirma naman ng COMELEC na nalagpasan na nila ang target nito na 59 milyong botante

Sa ngayon aniya, 62 na milyon na ang nakapagparehistro at kumpiyansa silang tataas pa ang bilang na ito

Facebook Comments